-- Advertisements --
Lubos ang kasiyahan ni Petra Kvitova matapos ang pag-abanse nito sa semifinals ng French Open.
Tinalo kasi ng Czech player si Luara Siegemund ng Germany sa score na 6-3, 6-3.
Sinabi nito na hindi niya maisip na makapasok sa nasabing semifinals ng torneo.
Muling nakapaglaro kasi ito noong 2017 anim na buwan matapos na gumaling ng ito ay pagsasaksakin sa loob ng kaniyang bahay noong 2016.
Susunod na makakaharap nito ang sinumang manalo sa pagitan nina Sofia Kenin at Danielle Collins.