
MANILA – Pinaiimbestigahan ni Oriental Mindoro Rep. Alfonso Umali sa Kamara ang umano’y maanomalyang “public bidding” ng Philippine Ports Authority (PPA).
Kamakailan nang maghain ng House Resolution No. 1822 si Umali para magkaroon ng “joint inquiry in aid of legistation” ang Committee on Good Governence and Public Accountability at Committee on Transportation
Nais ng kongresista na silipin ng mababang kapulungan ang bidding na ginawa ng PPA para sa pagtatayo ng limang pantalan sa bansa.
Ayon sa mambabatas, “disadvantage” sa pamahalaan ang tinatayang P1.3-billion na nagastos para sa public bidding ng mga pantalan na target itayo sa Puerto Princesa (Palawan), Ormoc (Leyte), Tabaco (Albay), Legazpi (Albay), at Calapan (Oriental Mindoro).
Kung titingnan raw ang mga probisyon sa ilalim ng bagong terminal leasing and management rules and regulations hindi napapanahon ang public bidding para sa mga terminal at pantalan.
“The officials of the PPA, taking advantage of their position and influence, have given unwarranted benefits, advantage, and preference to a single corporate entity through manifest partiality, collusion, and evident bad faith,” nakasaad sa HR No. 1822.
“These big companies have already participated and awarded several ports out by the PPA as what occurred in the first eight biddings where five ports were awarded to a single corporate entity which posted online a minimum bid and whose net contracting capacity is inadequate to sustain long term operations,” dagdag ng kongresista.
Tinatayang 11,000 manggagawa ang mawawalan ng trabaho dahil sa public bidding ng pantalan sa Oriental Mindoro.
Ayon kasi kay Umali, tinapos na ng PPA ang kontrata sa Calapan Labor Service Development Cooperative, na matagal ng nangangasiwa sa cargo and ro-ro operations sa Calapan Port.
Ngayong araw magsasagawa ng public consultation ang Sangguniang Panlalawigan ng Oriental Mindoro para malaman ang mga detalye ng proyekto. – with report from Bombo Dave Pasit