-- Advertisements --
Nanguna ang paputok na kwitis na sanhi ng mga firecracker-related injuries sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Eric Tayag, na mayroong 45 ang nasugatan sa paggamit ng kwitis habang mayroon 27 ay dahil sa paggamit ng boga.
Sa pinakahuling bilang ay aabot na sa 211 na kaso ang naitalang nasugatan sa pagsalubong ng bagong taon.
Dagdag pa ni Tayag na hindi pa natatapos ang pagbibilang dahil sa hanggang Enero 6 pa matatapos ang kanilang pagbibilang.
Sa nasabing bilang ay mas mataas ito ngayong taon kumpara noong nakaraang taon na mayroong 182 lamang.
Mas mababa pa rin ito ng 30% sa 5-year average.
Pinayuhan ni Tayag ang mga naputukan na magtungo ang mga ito sa pagamutan para maturukan ng anti-tetanu.