-- Advertisements --

Itinanggi ng singer na si Kyla na siya ang nasa likod ng pagbatikos sa pagsali ng transwoman athlete sa Tokyo Olympics.

Naging kontrobersiyal kasi ang pagsabak ni Laurel Hubbard ng New Zealand sa 87 kilogram women’s division.

Nagsimulang sumali ang 43-anyos na si Hubbard sa women’s event noong ito ay 30-anyos pa lamang sa taong 2017.

Dahil sa pagsali nito ay umani ng debate sa mga netizens sa buong mundo.

Napansin ng mga netizens ang negatibong komento umano ng singer sa pagsali ng transgender sa Olympics.

Paliwanag ni Kyla na ang nagkomento ay isang fan page niya na maraming mga administrator ang humahawak.

Iginiit nito na hindi niya gawain ang magkomento ng negatibo sa mga transgender.