-- Advertisements --

Sinamantala ng Los Angeles Lakers ang kakulangan ng limang players ng Charlotte Hornets, upang ilampaso ito sa score na 101-93.

Nanguna si Kyle Kuzma sa opensa na may 24 points para itala ang ika-apat nilang panalo sa huling pitong games upang manatili ang NBA defending champion sa ika-pitong puwesto sa Western Conference.

Nag-ambag naman sina Dennis Schroder ng 19 points at si Andre Drummond na may 12 rebounds para sa Lakers (34-21).

Malakang kawalan para sa Charlotte (27-26) ang hindi paglalaro nina Terry Rozier at P.J. Washington kasama rin sina LaMelo Ball, Gordon Hayward at Malik Monk dahil sa injuries.

Habang sa Lakers naman ay wala pa rin ang kanilang mga All-Stars na sina LeBron James at Anthony Davis, at si Markieff Morris na dumanas ng sprained left ankle.