Sa likod ng pinakamalaking offer na natanggap, tumatanggi pa ring makipag-usap si Football superstar Killian Mbappe sa mga kinatawan ng Al Hilal.
Maalalang inalok ng Al Hilal ng kabuuang 300 million Euro kada taon si Mbappe para maglaro sana sa Saudi. Ito ay katumbas ng $333Million na malayong mas mataas kumpara sa kontrata ng iba pang mga football superstar sa buong mundo.
Batay sa report, isang delegasyon mula sa Al Hilal ang bumiyahe papuntang Paris upang makausap sana si Mbappe, ngunit tumanggi itong makaharap ang nasabing delegasyon.
Ang desisyon ni Mbappe ay sa likod ng naunang pagpayag sa kanya ng kanyang kasalukuyang koponan.
Sa kasalukuyan, kahit hindi pa tinatanggap ni Mbappe ang alok ng Al Hilal siya ang nananatiling 2nd highest paid football player sa buong mundo.
Nangunguna pa rin ang Brazillian na si Neymar Da Silva Santos.