-- Advertisements --

Ipinakilala sa mundo ni Kylie Jenner at Travis Scott ang bagong silang na anak nilang lalaki.

Sa kaniyang social media account inanunsiyo ni Kylie ang pagsilang anak nila noong Miyerkules.

Sa nasabing larawan ay makikita na tila hinahawakan ang kamay ng sanggol ng panganay na anak ng dalawa na si Stormi.

Hindi naman na binanggit ng dalawa ang pangalan ng bagong silang nilang anak.

Magugunitang noong Agosto, 2021 ay inanunsiyo ng reality star ang kaniyang pagbubuntis.