-- Advertisements --

Inanunsiyo ng model at reality star Kylie Jenner na ito ay buntis sa ikalawang pagkakataon.

Sa kaniyang social media account nagpost ito ng video kung saan kinumpirma na buntis ito mula sa nobyong rapper na si Travis Scott.

Mayroon ng anak ang dalawa na si Stormi Webster na ngayon at tatlong taong gulang na.

Si Jenner ang bunso sa magkakapatid na Kardashian na siyang founder ng beauty line na Kylie Cosmetics.