-- Advertisements --

Nakapagtala ng record si make-up mogul Kylie Jenner.

Ito ay matapos na siya ang naging unang babae na nagkaroon ng 300 milyon followers sa Instagram.

Kapwa nasa pangalawang puwesto naman sina Ariana Grande at Selena Gomez na na mayroong 289 milyon.

Nananatili naman si Manchester United striker Cristiano Ronaldo na most followed person sa IG na mayroong 388 milyon followers.

Naging tahimik si Jenner sa social media matapos na masangkot ang rapper nitong nobyo na si Travis Scott sa Astroworld music festival sa Houston, Texas na ikinasawi 10 katao noong Nobyembre 5.