Itinanghal bilang pinakabatang self-made billionaire ang American socialite na si Kylie Jenner, base sa pinakahuling rich list ng Forbes magazine.
Batay sa 2019 World’s Billionaires list ng Forbes, mayroong kabuuang net worth na $1 billion (P50-bilyon) ang 21-anyos na si Jenner.
Ang pinakabatang miyembro ng pamilya Kardashian din ang nagtatag at may-ari ng Kylie Cosmetics, na kumita umano ng $360-milyon noong nakalipas na taon.
“I didn’t expect anything. I did not foresee the future,” wika ni Jenner. “But [the recognition] feels really good. That’s a nice pat on the back.”
Naabot ni Jenner ang milestone nang mas maaga kumpara kay Facebook founder Mark Zuckerberg na naging bilyonaryo lamang sa edad na 23.
Nananatili namang pinakamayamang tao sa buong mundo ang founder ng Amazon na si Jeff Bezos, na mayroong kabuuang yaman na $131-bilyon dollars (P6-trilyon).
Habang ang yaman naman ni Zuckerberg ay bumaba sa $62-bilyon, na nabawasan ng $8.7-bilyon kumpara noong nakalipas na taon. (BBC)