-- Advertisements --

Nakatakdang magsagawa ng concert sa bansa si Kylie Minogue.

Gaganapin ang kaniyang “Tension Tour” sa darating na Marso 17, 2025.

Hindi pa nila inanunsiyo ang lugar kung saan ito gaganapin.

Bukod sa Pilipinas ay magsasagawa rin ang singer ng concert sa Bangkok, Tokyo at Kaohsiung.

Ilan sa mga pinasikat na kanta ay ang “Can’t Get You Out of My Head”, “Padam Padam” at maraming iba pa.