Ilang araw matapos mabunyag na hiwalay na sa asawang si Aljur Abrenica, all set na si Kylie Padilla sa paglipat sa bagong tahanan.
Ayon sa 28-year-old actress, tinatapos na lamang ang paglilinis sa mga bagong bili na kagamitan gaya ng kama, sofa at carpet.
Nag-hire rin ito ng sanitizing service para matiyak na malinis ang bawat sulok ng bahay.
Kasama ni Kylie ang dalawang anak nito, at walang nabanggit tungkol kay Abrenica.
“Our new place is almost ready for my boys and I to move in and I’m so excited. But ofcourse I have to make sure that our new furniture is clean and sanitised,” ani Padilla.
Noong nakaraang linggo nang umapela ng respeto ang anak ni Robin Padilla hinggil sa kumpirmadong pakikipaghiwalay sa 31-year-old actor.
Gayunman, naging kontrobersyal ang pagbuking ni Binoe na dahil ito sa “third party” pero wala siya sa posisyon para husgahan ang son-in-law dahil maging siya ay ilang beses nang may karanasan sa pagiging “chick boy” noong kabataan niya.
Katunayan umaasa ang tinaguriang Bad Boy in Philippine Showbiz na magkakabalikan pa ang dalawa hanggat hindi pisikal na sakitan ang isyu.
Taong 2017 nang mauwi sa engagement ang kanilang limang taon na on-and-off relationship bilang magkasintahan hanggang sa ikinasal noong 2018.
Kung maaalala, nagkaroon ng tampuhan si Kylie at ama nito dahil hindi nasunod ang request na magpakasal na sila ni Abrenica noong kasagsagan ng kanyang pagbubuntis.