-- Advertisements --

Nilinaw ni Kylie Padilla na kapwa nasa proseso na sila ni Aljur Abrenica ng pag-move on sa buhay.

Ito’y kasunod ng pagbuking mismo ng ama ni Kylie na si Robin Padilla na nauwi na sa hiwalayan ang tatlong taon pa lamang na married life ng 28-year-old actress at 31-year-old actor na dahil sa “third party.”

Ayon kay Kylie, sana ay irespeto ng publiko ang desisyon nilang mag-asawa lalo’t nagkasundo naman sila ni Aljur sa “co-parenting relationship” para sa kanilang dalawang anak.

“We pray and hope that we will become better persons through this experience and will bring out the best in all of us,” saad nito sa GMANews.

Sa panig naman ng aktres ding si Cindy Miranda, nilinaw nito na professional lang ang pagiging magkatrabaho nila ni Abrenica.

Si Miranda kasi ang itinuturong dahilan ng paghihiwalay daw ng mag-asawa.

“I’m not the third party, thanks.”

Una rito, inihayag ng “Bad Boy in Philippine Showbiz” na wala siya sa posisyon para husgahan ang son-in-law dahil maging siya ay ilang beses nang may karanasan sa pagiging “chick boy” noong kabataan niya.

Katunayan umaasa aniya siya na magkakabalikan pa ang dalawa hanggat hindi pisikal na sakitan ang isyu.

“Hindi na kailangan (mag-sorry ni Aljur). Ang baduy nun! Mag-sorry ka kung sinaktan niya ng pisikal. Huwag mo gagawin ‘yun sa anak ko. Hindi ko sinaktan yung batang ‘yan. Huwag mo gagawin yun, pare. Pero yung ganyang baba-babae, natatawa pa ako diyan,” saad nito kay Ogie Diaz sa YouTube vlog nitong July 7 (07-07).

Kamakailan lang nang ilarawan ni Aljur na na-mismanage lang nila ni Kylie ang problema na pinagdadaanan naman daw ng lahat ng mag-asawa.

Noong International Women’s Day, pinuri ni Abrenica ang celebrity wife sa pamamagitan ng pag-post ng larawan nito kung saan makikita ang iba’t ibang face expression ng tinawag nito bilang kanyang reyna.

Dito ay napansin din na may suot na uli si Kylie na singsing sa kanyang daliri.

Ang pagkakaayos nina Padilla at Abrenica ay kasunod ng insidente kung saan naospital ang kanilang anak matapos makagat ng aso.

Unang nagdulot ng ispekulasyon sa kani-kanilang fans ang misteryosong posts ng celebrity couple.

Kabilang dito ang hugot ng aktres sa pagiging “submissive, but not stupid,” at ang kahalagahan ng pagmamahal sa sarili.

Habang kay Aljur, may hawak siyang rosaryo kung saan nagdasal aniya siya kaya nagkaroon ng peace of mind.

Taong 2017 nang mauwi sa engagement ang kanilang limang taon na on-and-off relationship bilang magkasintahan hanggang sa ikinasal noong 2018.

Kung maaalala, nagkaroon ng tampuhan si Kylie at ama nito dahil hindi nasunod ang request na magpakasal na sila ni Abrenica noong kasagsagan ng kanyang pagbubuntis.