-- Advertisements --

Baby boy uli ang ipinagbubuntis ni Kylie Padilla.

Ito’y kasunod ng kanyang kumpirmasyon na magkakaroon na sila ng second baby ng asawa at kapwa celebrity na si Aljur Abrenica.

Sa pamamagitan ng birthday video para sa panganay na si Alas, inanunsyo ng 26-year-old actress ang naturang “open secret” na alam naman aniya ng lahat.

“Yes we are expecting our second child,” ani Padilla. “When the time comes that I should open up about baby no. 2 but I wanna keep the focus on Alas”.

Inamin ni Kylie na noong una ay inakala nila ng 29-year-old actor na babae na ang kanilang second baby dahil mas emosyunal siya kompara sa pagbubuntis noon sa kanilang first born.

Sa ngayon ay magda-dalawang taon gulang pa lamang si Alas Joaquin.

Kylie marries Aljur
2018 photo by La Belle Fête

Kung maaalala, nagkaroon ng tampuhan si Kylie at ama nitong tinaguriang “Bad Boy in Philippine Showbiz” na si Robin Padilla dahil hindi nasunod ang request na magpakasal na sila ni Abrenica noong kasagsagan ng kanyang pagbubuntis.

Pero tatlong buwan matapos manganak ni Kylie noong August 2017, kinarga na ni Binoe si baby Alas.