-- Advertisements --

Mistulang naka-move on na si Kylie Padilla sa paghihiwalay nila ng kapwa artistang si Aljur Abrenica.

Ito’y matapos maging agaw-pansin ang ginawang “pag-like” ni Padilla sa usap-usapang larawan ni Abrenica kasama ang nali-link na sexy star na si AJ Raval habang nasa beach.

Nagbahagi kasi si Raval ng video clip ng isang babaeng binuhat nang walang kahirap-hirap ng isang lalaki habang nasa tabing-dagat. Shadow lamang ng babae at lalaki ang makikita sa video, pero naka-tag sa post si Aljur.

Kylie likes AJ Aljur photo

Una rito, muling pinuntirya ng mga kritiko ang 21-year-old sexy star matapos maungkat ang ugnayan nila ng 31-year-old actor dahil sa kanilang Valentine’s Day photo sa isang hotel resort sa Leyte.

Hamon ni AJ sa kanyang bashers na ibato raw sa kanya ang pinakamasasakit na salita kung ito ang magpapasaya sa mga ito.

“Welcome sa lahat ng bashers comment lang kayo,” saad nito.

Sa panig ng pamilyadong aktor, nilinaw nito na hindi sila nag-check in sa hotel kundi “nag-fresh-en up” o nag-ayos lamang para sa isang show na may kaugnayan sa kanilang trabaho.

“Nagulat ako, kumain lang kami dun (sa hotel) ta’s nagbihis lang to freshen up, para sa show. Sila lang ang gumagawa ng drama na ‘yan kung anong gusto nilang makita, tingnan nila. Pero trabaho po yun, trabaho po yun para sa mga cooperatives,” bahagi ng pahayag ni Abrenica sa virtual presscon ng kinakatampukang pelikula.

Noong nakaraang taon nang mismong ama ni Kylie na si Robin Padilla ang nagbuking sa pagtatapos ng tatlong taon pa lamang na married life ng 28-year-old actress at ni Aljur na dahil umano sa “third party.”

Taong 2017 naman nang mauwi sa engagement ang kanilang limang taon na on-and-off relationship bilang magkasintahan hanggang sa ikinasal noong 2018.

Kung maaalala, nagkaroon ng tampuhan si Kylie at Binoe dahil hindi nasunod ang request na magpakasal na sila ni Abrenica noong kasagsagan ng kanyang pagbubuntis.

Minsan namang nilinaw ni Kylie na nagkasundo sila ng estranged husband na OK lang sa kanila kung magkaroon man ng kani-kanilang bagong pag-ibig.