-- Advertisements --
image 363

Hindi nakaiwas si Kylie Padilla sa mga tanong tungkol sa relasyon ng kanyang dating asawa na si Aljur Abrenica at sexy actress na si AJ Raval, matapos makumpirma ang relasyon ng dalawa noong Valentine’s Day.

Ayon kay Padilla “Everyone’s happy. That’s what’s important,”

hiningan din si Padilla ng kanyang reaksyon ngayon nilantad na ang nasabing sekreto, aniya, “I’m happy for everyone! We all went through some sort of depression [during the pandemic]. Just being happy is a blessing,”

“No joke—I’m just happy that everyone’s finding happiness,” dagdag pa niya.

Isang taon mula noong unang ma-link si Abrenica at Raval, ay kinumpirma na nila ang kanilang relasyon.

Naglabas si Raval ng isang larawan kasama ang aktor na may matamis na caption na “I’ll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally,”

Ilang sandali naman matapos ang kumpirmasyon ni Raval, naglabas din si Abrenica ng isang larawan kasama ang kanyang bagong kasintahan.

Matatandaaan na sina Raval at Abrenica, ay nagsama sa isang pelikula noong 2021, na pinagmulan ng romantic rumors matapos silang masaktuhang magkasama noong Oktubre.