-- Advertisements --
Ibinahagi ng actress na si Kylie Versoza ang hindi magandang karanasan niya sa Boracay.
Sa social media account nito ay ibinahagi niya na nakagat siya ng jellyfish habang nagsi-swimming.
Dahil sa insidente ay nilagnat ito at hindi nakalabas sa buong araw ng Kapaskuhan.
Sa ibang mga post ay ipinakita niya ang mga masasayang larawan habang ito ay nagsiswimming sa Boracay.
Si Versoza ay nagwagi bilang Miss International noong 2016 at naging pang-anim na Filipino beauty queen na nag-uwi ng korona.