-- Advertisements --

Napili bilang 2023 calendar girl ng isang brand ng alak si 2016 Miss International Kylie Versoza.

Sinabi nito na nagulat siya ng mapili ito bilang Tanduay calendar girl.

Ayaw din nitong ikumpara siya sa ibang mga calendar girls dahil bawat babae aniya ay may sariling angking kagandahan.

ibinahagi nito ang kaniyang ginagawang pag-aalaga sa katawan gaya ng regular niyang pag-workout at pagkain lamang ng isa at gulayat walang baboy, beef at chicken.

Noong nakaraang araw din ay ipinakilala ng Ginebra na kinuha nilang calendar girl ang actress na si Yassi Pressman.