-- Advertisements --

Wala na raw dapat pang sabihin ang Kyoto Animation sa suspek na nasa likod nang pagka-sunog ng isa sa kanilang mga studio sa Jaoan.

Inaresto ng mga otoridad sa Japan ang suspek sa likod nang pagka-sunog ng Kyoto Animation studio noong Hulyo nang nakaraang taon.

Ayon sa kumpanya, hindi na raw mahalaga para sa kanila kung nagsisisi ang suspek sa kaniyang ginawa dahil maraming buhay ang nawala dahil sa insidente.

Hindi na rin daw nito matatanggal pa ang sugat na naiwan sa katawan ng mga biktima maging ang malaking puwang sa puso ng pamilya ng mga namatay na empleyado.

Kinilala ang suspek bilang si Aoba Shinji, 42-anyos, na hinihinalang nasa likod ng sunog sa nasabing studio noong Hulyo 18.

Namatay sa sunog ang 36 katao habang 33 naman ang sugatan. Lahat ng mga biktima ay empleyado ng Kyoto Animation.