-- Advertisements --
Hindi na itinuloy ni Australian tennis star Nick Kyrgios ang laro nito sa Wimbledon dahil sa injury.
Nasa ikalawang set na ito kay Felix Auger-Alissime ng Canada ng ihinto na nito ang laro dahil sa pananakit ng kaniyang tiyan.
Dahil sa hindi na nakayanan pa ang laro ay naglakad na lamang ito sa gitna ng court at kinamayan ang Canadian na katunggali.
Maraming tennis fans naman na nanood ang nadismaya sa naging desisyon na ito ni Kyrgios.
Ito ang unang pagkakataon na itinigil niya ang laro at naging limitado lamang ang kaniyang laro dahil sa COVID-19 restrictions.