-- Advertisements --
Idineklara ni Kyrgyz President Sooronbai Jeenbekov ang state of emergency sa Bishkek ang capital ng Kyrgyzstan dahil sa patuloy na kaguluhan.
Nagpakalat na rin ito ng mga sundalo kung saan maraming mga protesters ang inaresto na mula sa kalabang partido ni Jeenbekov.
Ilan sa mga mahigpit na ipinapatupad tuwing state of emergency ay ang pagkakaroon ng curfew at mahigpit na security restriction mula alas-8 ng gabi hanggang 8 a.m. ng Oktubre 21.
Magugunitang sumiklab ang kilos protesta matapos na magwagi ang mga kaalyado nito sa parliamentary election.
Tiniyak naman nito na handa siyang magbitiw sa puwesto kapag mayroon ng bagong gabinete ang naitalaga.