-- Advertisements --

Kapwa pumuntos ng 28 sina Kyrie Irving at Luka Doncic, para tuluyang ilaglag ng Dallas Mavericks sa serye ang Los Angeles Clippers.

Ang Mavs ang kumumpleto sa hanay ng mga pasok sa second round ng Western Conference.

Maliban sa impresibong mga puntos nina Kyrie at Luka, nag-ambag naman si P.J. Washington ng 14 puntos, si Daniel Gafford naman ay may 13 at si Dereck Lively II naman ay kumamada ng 10 puntos at siyam na rebounds para sa Mavericks.

Habang nakapagpasok naman para sa Clippers ng 20 points si Norman Powell at si Paul George ay may 18 points.

Gayunman, hindi ito naging sapat para matapatan ang agresibong aksyon ng Mavs.

Makakaharap ng Dallas ang top-seeded na Oklahoma City Thunder sa susunod na round.