-- Advertisements --

Binasag ni NBA superstar Kyrie Irving ang ilang records sa liga matapos ang nakakabilib na performance nang magtala ng 60 big points sa panalo ng Brooklyn Nets kontra sa Orlando Magic, 150-108.

Dinomina ng husto ni Irving ang laro kung saan sa first half pa lamang ay kumamada na ito ng 41 points.

Liban sa personal best, ang naturang score ay pinakamataas din ngayong season sa isang NBA player sa first half.

Ang 60 points naman ni Irving ay franchise record din kung saan maging ang mga kalabang fans sa sobrang pagkamangha ay nag-cheer na rin sa kanya at binigyan pa siya ng standing ovation.

Sa tindi pa ng init ng kamay ni Irving umabot lahat sa walo ang kanyang naipasok na three point shots.

Ito na ang ika-36 wins ng Brooklyn Nets habang nangulelat pa lalo sa 52 losses ang Orlando Magic.