-- Advertisements --
Nagbuhos ng 50 points ang NBA superstar na si Kyrie Irving upang pangunahan ang Brooklyn Nets sa panalo laban sa Charlotte Hornets, 132-121.
Sa init ng kamay ni Irving nagpasok din ito ng siyam na three pointers upang tulungan ang Brooklyn na matuldukan ang apat na sunod-sunod na talo.
Batay sa NBA history kabilang si Irving sa tanging 22 players na merong limang naitalang 50-point games.
Binitbit ni Irving ang team matapos na inalat ang kanilang beterano pang All-Star na si Kevin Durant na nagpakita lamang ng 14 na puntos.
Naghahabol ang Brooklyn na umusad sa NBA playoffs dahil sa nasa pangwalong puwesto lamang sila ngayon sa Eastern Conference.