Nahaharap sa mas malaki pang multa ang Brooklyn Nets superstar na si Kyrie Irving kung magmamatigas pa rin na hindi magpapa-interview sa media.
Una rito sa ikalawang pagkakataon, muli na namang pinatawan ng NBA si Irving ng $35,000 na multa dahil sa paglabag sa media policy ng liga.
Ayon sa NBA, ang kanilang desisyon ay dahil pa rin sa paulit ulit na pagtanggi ni Irving na makibahagi sa media conference tuwing natatapos ang laro.
Kung maalala noong buwan ng Disyembre minultahan din si Irving $25,000 dahil sa pagtanggi na pagiging bukas sa pre-game media session ng All-Star selection.
Sinabi ng ilang observers kung makikipagmatigasan si Irving sa patakaran, baka raw maapektuhan ang career nito lalo na kung pumasok ang powerhouse team niya na Brooklyn Nets sa NBA championship.
Si Irving na ilang beses na ring naging MVP ay hindi na bago ang iskandalo.
Noong 2017 ay kanyang ipinagdiinan ang kaniyang paniniwala na ang mundo ay flat at hindi bilog.