-- Advertisements --

Binitbit ni NBA star Kyrie Irving ang Brooklyn Nets upang pigilan ang huling ratsada ng Washington Wizards para iposte ang panalo sa iisang puntos lamang, 119-118.

Nagawang habulin kasi ng Wizards ang 16 na kalamangan ng Brooklyn kaya nauwi ang makapigil hininga na harapan sa wild wild finish.

Ang kontrobersiyal na point guard ng Nets na si Irving ay nagbuhos ng 30 points upang punan ang kawalan ni Kevin Durant na nagpapagaling pa rin dahil sa injury.

Malaking tulong din naman ang ginawa nina LaMarcus Aldridge na may 27 points at si James Harden ay nag-ambag ng 18 points para sa kanilang 28-16 record ngayong season.

Ang Wizards naman ay napigil sa 23-22 win-loss record.