Inanunsiyo ngayon ng Brooklyn Nets na papayagan na rin nilang makalaro ang kontrobersiyal na All-Star guard na si Kyrie Irving.
Kung maalala mula nang magsimula ang NBA season ay hindi na nakalaro si Irving dahil sa mahigpit na patakaran ng New York laban sa mga players na hindi pa nagpapabakuna laban sa COVID-19.
Nilinaw naman ng Brooklyn na papayagan lamang nila si Irving bilang part-time player sa mga games na gagawin sa labas ng New York at Toronto.
Ginawa ng Brooklyn ang hakbang dahil na rin at umabot na sa pitong players ang hindi nakakapaglaro bunsod ng injuries at pag-quarantine sa mga ito kasama na ang isa pang superstar ng Nets na si James Harden.
Kabado rin ang koponan lalo na at sila ang top team sa Eastern Conference ay mawawala pa ang dating MVP na si Kevin Durant upang pagpahingahin muna.
Ang next road game ng Nets ay sa Dec. 24 laban sa Blazers.