Plano ngayon ni Dallas Mavericks guard Kyrie Irving na irepresenta ang Australia kung saan siya isinilang sa mga international competition.
Ang nine-time NBA All-Star ay nagwagi ng gintong medalya sa Team USA noong 2016 Olympics sa Rio de Janeiro.
Mayroon kasi itong dual citizenship na isang American at Australian.
Isinilang siya sa Melbourne noong 1992 habang ang ama nito na si Drederick ay naglaro sa Bulleen Bullets sa South East Australian Basketball League.
May ilang hamon ngayon na kakaharapin si Irving dahil base sa FIBA ruling ay dapat ang isang manlalaro ay hindi pa nakapagrepresent ng isang bansa sa mga international competition.
Noong nakaraang taon kasi ay nabigo si Klay Thompson na maglaro sa Bahamas bansa kung saan isinilang ang ama dahil sa ruling ng FIBA.