-- Advertisements --
Labis na ikinalungkot ni KZ Tandingan ang pagkansela ng ilang concert niya sa Amerika.
Ayon sa singer, na nagkaroon ng problema sa promoter kaya minabuting hindi na ituloy ang nasabing mga concerts.
Pinabulaanan din ng tinaguriang Asia’s Soul Supreme, na hindi ito nabigyan ng visa kaya hindi natuloy ang kaniyang concerts.
Nauna rito kinansela ng concert promoters ang ilang show ni KZ sa San Jose noong Setyembre 27, Houston-Texas noong Setyembre 28 at Stockton noong Setyembre 29.
Makakasama sana niya dito sa Gloc-9 subalit dahil sa nasabing problema ay kinansela na nila ang show.