-- Advertisements --
Inilabas na ni KZ Tandingan ang kauna-unahang interntional single nito.
Sa loob kasi ng siyam na taon ay nailabas niya ang kantang “11:59”.
Kuwento ng singer na matapos kasi ang kaniyang tagumpay sa X-Factor noong 2012 ay pinangarap na niyang maglabas ng mga international song.
Pangarap niya na irepresenta ang bansa sa world stage of music.
Gawa ni Grammy-nominated Lugo Gonzales ang kanta na umabot sa ilang taon bago ito mabuo.
Dagdag nito na ang kanta ay patungkol sa dalawang nag-iibigan at ang kanilang kapalaran.