-- Advertisements --

Nagkukumahog pa rin ang Los Angeles County para tuluyang maapula ang nagaganap na wildfire.

Sinabi ni Los Angeles County Fire Chief Anthony Marrone, na dumating na ang mga karagadagang tubig mula sa iba’t-ibang estado ng US.

Binibilisan nila ang nasabin pag-apula dahil sa pangamba na mayroong paparating malakas na hangin na magdudulot ng paglaki ng apoy.

Sa coastal Palisade fire kasi ay mayroong 11 percent nito ang naapula na habang sa Eaton Fire sa Altadena ay mayroong 27 percent na ang naapula.

Aabot naman sa 29 katao ang inaresto ng mga otoridad sa ipinatupad nilang curfew na nagpupumilit na bumalik sa kanilang bahay habang ang ilan ay naaresto dahil sa panloloob sa mga naiwang bahay.

Patuloy ang panawagan ni Marrone sa mga residente na intindihin ang kanilang trabaho dahil maraming mga bumbero ang nagdoble kayod para tuluyang maapula ang sunog.