-- Advertisements --

Nakakuha na ng search warrant ang Los Angeles County Sheriff para matignan ang black box ng sasakyan ni golf star Tiger Woods.

Nais malaman kasi ng mga otoridad kung aksidente nga ba ang nangyari o sadyang ‘reckless driver’ lamang ang US Golf superstar.

Magugunitang naaksidente si Woods ng bumangga ang sasakyan nito sa Palos Verdes, California.

Dahi lsa insidente ay nagtamo ng pinsala sa katawan si Woods at ito ay dinala sa pagamutan.