-- Advertisements --

Masisilayan daw ng mga NBA fans ang unang pagtutuos ng magkaribal na teams sa Los Angeles sa Oktubre 22 sa pagharap ng Lakers nina LeBron James at Anthony Davis kina Kawhi Leonard, Paul George at ang Clippers.

Batay sa lumabas na ulat, maliban sa Lakers-Clippers matchup, sisimulan din ng Toronto Raptors sa nasabing araw ang pagdepensa sa kanilang titulo sa bakbakan nila ng New Orleans Pelicans tampok ang No. 1 draft pick na si Zion Williamson.

Dahil dito, ang Raptors ang unang defending champion na bubuksan ang kanilang season sa isang road game mula nang huli itong mangyari sa Lakers noong 2000.

Gayunman, sasabak ang Raptors nang wala si Leonard, na unang superstar na nagpalit agad ng team matapos makasungkit ng titulo.

Una nang napaulat na babandera sa isa sa limang Christmas Day games ng NBA ang Lakers at Clippers.

Habang ang iba ay ang Houston Rockets at Golden State Warriors; Milwaukee Bucks at Philadelphia 76ers; Boston Celtics at Raptors; at ang Pelicans at Denver Nuggets.