Sasailalim umano ang mga miyembro ng Los Angeles Lakers sa pagsusuri dahil sa coronavirus disease (COVID-19).
Kasunod ito ng kumpirmasyon ng Brooklyn Nets na nagpositibo sa virus si Kevin Durant at tatlo pang mga players.
Noong Marso 11 ay nagtuos din ang Lakers at Nets sa kanilang huling laro bago suspendihin ng NBA ang mga games makaraang makumpirma na dinapuan ng COVID-19 si Rudy Gobert ng Utah Jazz.
Batay pa sa ulat, dadaan din ang Lakers sa 14-day self-quarantine para masuri kung magpapakita ang mga ito ng sintomas ng sakit.
Una rito, sinabi ng Nets na nakipag-ugnayan na sila sa lahat ng posibleng nakasalamuha ng kanilang mga players.
Pinawi naman ni Durant ang pangamba ng mga fans at inihayag na nasa maayos itong kondisyon.
Si Durant ay hindi muna aktibo sa kanyang unang season sa Brooklyn dahil sa nagpapagaling pa ito mula sa operasyon sa kanyang Achilles tendon.