-- Advertisements --

Hindi makakapaglaro ng hanggang dalawang linggo si Charlotte Hornets point guard at NBA star LaMelo Ball.

Ayon sa Hornets na nagtamo itong strained left calf injury.

Natamo nito ang injury sa pagkatalo ng koponan laban sa Miami Heat.

Dagdag pa ng koponan na sasailalim pa siya sa re-evaluation sa Disyembre 11 o matapos ang dalawang linggo mula ng kaniyang pagkaka-injury.

Si Ball ay mayroong average na 40.3 points sa loob ng apat na laro.

Mayroon din itong average na 5.4 rebounds, 6.9 assists at 1.1 steals.

Mula ng naging overall 3 pick noong 2020 ay nagkakaroon na ito ng mga injury kadalasan sa kaniyang ankles.