Malapit na sa spilling level na ang La Mesa Dam at inaasahan na tataas pa dahil sa patuloy na nararanasang pag-ulan.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) , na dahil sa nararanasang southwest monsoon o habagat kaya ito ay tumataas ng mahigit 79.90 meters.
Kapag pumalo na ang level na 80.15 meters ay aapaw na ang nasabing tubig sa dam.
Maaapektuhan dito ang mga low-lying areas sa Tullahan River ng Quezon City gaya sa Fairvew, Forest Hills Subd., Quirino Highway, Sta. Quiteria, and San Bartolome.
Maging sa Barangay Ligon, North Expressway, La Huerta Subdivision sa Valenzuela at sa Malabon.
Pinayuhan din nila ang mga nasa malapit sa lugar na agad na lumikas habang patuloy ang ginagawang monitoring ng PAGASA sa nasabing dam.