-- Advertisements --
Naabot na ng La Mesa Dam sa lungsod ng Quezon ang spilling level nito na 80.16 meters.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
nitong ala-6 ng gabi ng Miyerules ay naabot na ang spilling level nito na 80.15 meters.
Dahil dito ay apektado ang maraming lugar gaya ng Fairview, Forest Hills Subdivision, Quirino Highway, Santa Quiteria and San Bartolome in Quezon City, Barangay Ligon, North Expressway and La Huerta Subdivision in Valenzuela, at Malabon.
Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente ng mga nabanggit na lugar lalo na ang mga nasa malapit sa ilog na lumikas na.
Inilikas naman ng Quezon City Government ang nasa 12,220 na pamilya o katumbas ng 41,685 na katao nitong hapon ng Miyerkules.