-- Advertisements --

Bubuksan muli sa publiko sa buwan ng Hunyo ang ang La Mesa Ecopark sa Quezon City na siya namang pangangasiwaan ng Manila Water.

Sa isang pahayag, sinabi ng Manila Water na nagbigay na ng green light ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System at lokal na pamahalaan ng QC para buksan ang naturang parke.

Ito ay muling bubuksan kasabay ng pag-obserba ng World Environment Day sa Hunyo.

Kasalukuyan ngayong tinatapos ang phase 1 ng rehabilitasyon ng La Mesa Ecopark bago ito tuluyang buksang muli sa publiko sa nasabing buwan.

Kabilang din sa mga bubuksan ay ang Eco Academy Pavilion, Museum, at Team Building Activity Centers, Picnic Areas, Souvenir Shop, Viewing Deck, at swimming pool.

Plano rin ng Manila Water na maglatag ng kaukulang environmental awareness attractions sa loob ng parke.

Layon nitong mahikayat ang lahat na bibisita sa lugar na pangalagaan ang kalikasan.