-- Advertisements --

Nagdeklara na ng state of calamity ang pinakamataong siyudad sa estado ng Los Angeles, California USA matapos sumiklab ang malawakang wildfires.

Sa pinakabagong datos mula sa California’s Department of Forestry & Fire Protection, dumoble pa ang lawak ng wildfire na mabilis na kumalat sa nakalipas na 3 oras na nasa 2,921 ektarya.

Bunsod nito, ayon kay LA fire chief Kristin Crowley, mahigit 30,000 katao na ang ipinag-utos na lumikas at 13,00 gusali naman ang under threat dahil sa wildfire.

Makikita sa ilang footage ang ilang kabahayang nasunog sa Pacific Palisades area at inabandona ng mga residente ang kanilang mga sasakyan upang makatakas mula sa hagupit ng wildfire.

Nagsimulang sumiklab ang wildfire dakong 6:30PM, Greenwich Mean Time (GMT) nitong Martes o 2:30 AM ngayong Miyerkules, oras sa Pilipinas.

Lumawak pa ito dahil sa bugso ng hangin sa lugar na 50 mph (80km/h) at dry conditions.

Sa ngayon, nasa ilalim ng red flag warning ang milyun-milyong katao sa California na nangangahulugan na may extreme o malubhang panganib o banta ng wildfire.