-- Advertisements --

Mayroong 70 hanggang 80 percent na tsansa na makaranas ng La Niña ang bansa sa last quarter ng taon.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) posibleng maranasan din ang nasabing lagay ng panahon hanggang sa unang quarter ng susunod na taon.

Nangyayari lamang ito ng dalawang beses sa pitong taon.

Sinabi naman ni PAGASA administrator Vicente Milano na malaki ang tsansa na maranasan ang “above normal” na pagbuhos ng ulan sa bansa.