-- Advertisements --
Mananatili pa rin ng hanggang buwan ng Abril ang La Niña.
Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather specialist Benison Estareja, na magtatagal ng Abril ang La Niña at magbabalik sa neutral condition ang panahon sa buwan ng Mayo.
Maaring makaranas ng higit sa normal na dami ng pag-ulan ang malaking bahagi ng bansa sa susunod na tatlong buwan.
Asahan aniya ang pagdaan ng maraming bagyo mula Pebrero hanggang Mayo ang papasok sa Philippine Area of Responsibility.
Nauna ng inanunsiyo ng PAGASA ang pagsisimula ng La Nina noong Oktubre 2021.