Inihayag ng state Weather Bureau na Pagasa na parehong inaasahang papasok sa bansa ang La Nina at malalakas na bagyo sa huling quarter ng taon.
Sa ngayon kasi, papatapos pa lamang ang el nino, kaya nagpapatuloy ang transition sa mga susunod na buwan patungo sa neutral phase.
Ayon kay Dr. Marcelino Villafuerte III, PAGASA deputy administrator for research and development na sa July, August o September ay magkakaroon na ng 69% na tsansa na magsimula ang La Nina.
Sa huling quarter aniya ng taon hanggang sa unang quarter ng 2025 ang kasagsagan nito.
Paliwanag ni Villafuerte, kapag naranasan na ang la nina, nangangahulugan nito na above normal na ang mararanasang mga pag ulan, o mas mataas sa average na ulan.
Samantala, para sa taong ito ay inaasahan aniya ang average na 13 hanggang 18 bagyo na papasok sa bansa.
Karaniwan aniya ay pumapasok ang malalakas na bagyo sa central sections ng bansa lalo na sa mindanao sa huling quarter ng taon, masasabay pa sa kasagsagan ng LA Nina.
Ang Bagyong Aghon ang unang bagyong pumasok sa bansa, kaya asahan pa aniya ang 12 hanggang 17 bagyo na posibleng mabuo o pumasok sa loob ng area of responsibility ng Pilipinas.