CENTRAL MINDANAO- Sa inilabas na report ng DOST-PAGASA, inilahad nito ang posibilidad ng La Niña.
Kaugnay nito, pinag-iingat ng lokal na pamahalaan ng Kabacan Cotabato-Municipal Disaster Risk Reduction Management ang mga ka-unlad.
Ayon kay MDRRM David Don Saure, 24/7 na nakaantabay ang kanyang tanggapan upang magbigay ng responde sa ano mang sakuna.
Hinimok naman nito ang mga BLGUs na palakasin ang kanilang barangay disaster risk reduction management upang mas mapabilis ang pagresponde.
Siniguro din ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman Jr. na nakahanda ang LGU sa ano mang pagsubok dulot ng mga kalamidad.
Samantala, hinikayat din ng alkalde ang bawat Kabakeño na ilagay ang contact number ng MDRRM at KIQRT sa kanilang telepono upang mabilis ang pagresponde.