-- Advertisements --

Posibleng mabuo ang isang ‘weak La Niña’ sa susunod na tatlong buwan, ayon sa United Nations – World Meteorological Organization.

Sinabi ng ahensiya na ang La Niña na mabubuo ay posibleng magiging short-lived o hindi gaanong magtatagal at magiging mahina lamang ito.

Ayon sa UN-based weather agency, mayroong 55% na posibilidad na mag-transition ang kasalukuyang neutral condition patungo sa mahinang La Niña mula Dcember 2024 hanggang February 2025.

Ayon kay WMO Secretary-General Celeste Saulo, kaakibat nito ang inaasahang paglamig ng temperatura sa mga karagatang saklaw ng Pacific Ocean at ang pagbabago ng tropical atmospheric circulation o sirkulasyon ng hangin sa mga tropical countries.

Malaki rin ang posibilidad nitong maaapektuhan ang rainfall volume sa mga bansang makakaranas ng naturang weather phenomenon.