-- Advertisements --
Posibleng sa huling quarter pa ng 2024 mararamdaman ang La Niña Phenomenon, batay sa pagtaya ng state weather agency ng Department of Science and Technology (DOST).
Batay sa datus ng ahensiya, mayroong 50% na tyansa ang La Niña na mamuo sa pagitan ng Setyembre at Nobiembre, 2024.
Maaaring maramdaman ang labis na epekto nito sa mga buwan ng Oktubre hanggang Disyembre.
Kasabay nito ay maaaring mabuo o pumasok sa Pilipinas ang 13 hanggang 16 na bagyo bago matapos ang 2024.
Ngayong Hulyo ay posibleng dalawa hanggang tatlo ang mararanasang bagyo.
Sa kabila nito, maaari pa rin umanong makaranas ang iba’t ibang bahagi ng bansa ng above normal na mga pag-ulan.