Kinumpirma ni Gilas head coach Tim Cone na wala nang cancer ang batikang baskteball player ng Pilipinas na si LA Tenorio.
Dahil dito, maaari na aniyang muling simulan ni Tenorio ang iba’t-ibang basketball activities, katulad ng dati niyang ginagawa, bago natuklasan ang kanyang cancer.
Ayon kay Cone, sasama si Tenorio sa Gilas, bilang isang coach, lalo na sa mga practice ng koponan.
Gayonpaman, hindi umano maaaring maglaro ang batikang basketbolista, dahil sa hindi siyang naging bahagi ng listahan na unang isinumite sa Asian Games Organizing Committee.
Unang natuklasan na may cancer ang tinaguriang Iron Man ng PBA noong buwan ng Marso
Noong huling linggo ng Abril ay muli siyang sumailalim sa pagsusuri ay natukoy na naaalis na ang mga cancer cells sa kanyang katawan.
Simula noon ay tuloy-tuloy nang nagpagaling si Tenorio.