Handa ng bumalik sa basketball court si LA Tenorio.

Ito ay matapos na madeklara siyang cancer-free na.

Sa kaniyang social media account ay emosyonal itong inanunsiyo ang pagiging Stage 3 colon cancer free na.

Pinasalamatan nito ang mga fans at kapwa basketbolista na nagdasal para sa agaran niyang paggaling.

Ang 39-anyos kasi na si Tenorio ay tumatayong assistant coach ni Tim Cone sa Gilas Pilipinas.

Magugunitang noong Pebrero ay inanunsiyo ng Barangay Ginebra star na magpapahinga muna ito sa paglalaro sa basketball.

Ibinahagi din nito ang kaniyang pinagdaanan mula sa operasyon at ang pagsasailalim sa 12 sessions ng chemotherapy.