-- Advertisements --

LA UNION – Epektibo noong Linggo, May 24 ay binawi na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) na ipinatupad sa Barangay Cadapli, Bangar, La Union.

Nakalahad ito sa EO No. 070-2020 na pinirmahan ni Mayor Joy Pinzon Merin ng Bangar.

Ito’y matapos kumpirmahin ng Provincial Health Office (PHO), na ligtas na mula sa COVID 19 ang 65-anyos na lolo ng Brgy. Cadapli, matapos mag-negative ang resulta ang pangalawang test nito sa Baguio General Hospital (BGH) na inilabas noong Biyernes, May 22.

Dahil dito, sinabi ng PHO, na isa na lamang ang aktibong COVID case sa La Union.

Dahil na rin sa magkakasunod na recoveries, nasa 16 na ang nakaka-recover sa nasabing sakit sa La Union o 26 sa buong Region 1.

Nananatili naman sa bilang na 63 ang covid confirmed cases habang 12 ang namatay sa Ilocos Region.