LA UNION – Halos pumalo na sa 100 ang naitatalang active cases ng COVID-19 sa lalawigan ng La Union.
Batay sa pinakahuling provincial case bulletin, kabilang sa bagong mga kaso ng Covid 19 ay mula sa siyudad ng San Fernando; Balaoan; Burgos at bayan ng Naguilian sa lalawigan.
Samantala, siniguro naman ng Provincial Government ang mahigpit na monitoring sa kasalukyang sitwasyon sa pamamagitan ng koprehensibong data analysis at risk and vulnerability assessment, at patuloy na pagpapatupad sa mga disease control measures sa tulong nga mga kaukulang ahensya.
Kaugnay nito, 303 na ang total cases ng COVID-19 sa lalawigan.
Nasa 200 ang gumaling mula sa nakamamatay na sakit, at 11 ang mga binawian ng buhay.
May 5,074 naman na suspected sa virus kung saan 778 ang nasa mga pagamutan at 271 ang mga naka-on home quarantine.