-- Advertisements --

LA UNION – Mahigit sa dalawang libong muslim sa buong La Union ang magtipon tipon sa kani-kanilang mosque para sa taunang selebrasyon ng Eid al-Adha o Feast of the Sacrifice ngayong araw ng Lunes, Agosto 12.

Napag-alaman ng Bombo Radyo La Union kay La Union Muslim Community Pres. Allan Macapundag, na sinimulan pa nila kahapon, Agosto 11, ang pagdiriwang sa Eid al-Adha sa pamamagitan ng pagdarasal at pagkatay ng mga hayop gaya ng baka at kambing, na naging gawain na ng mga muslim sa tuwing sasapit ang naturang islamic festival.

Aniya na ang pagkakatay ng hayop ay bilang pag-alala at pagsunod sa ginawang sakripisyo ni Allah ng inialay ang sariling anak

Sinabi din ni Macapundag na laman ng kanilang pananalangin na iadya ang Pilipinas sa kapahamakan para magkaroon ng tahimik at maayos na pamumuhay ng mamamayan sa lahat ng sulok ng Pilipinas.

Dito lamang sa San Fernando City, mahigit sa 700 ang populasyon ng mga muslim.

Maliban sa syudad, matatagpuan din ang kanilang mosque sa bayan ng Rosario, Agoo, San Gabriel, Bauang at San Juan.